Anti-criminality operations ng Lucena PNP, mas paiigtingin
Mas lalo pang paiigtingin ng pamunuan ng Lucena City Police Station ang mga operasyon para sa kanilang anti-criminality campaign ng pulisya.
Ito ang inihayag ni PLTCOL Ruben Ballera Jr., ang Officer-in-Charge ng Lucena PNP na patuloy ang kapulisan sa anti-criminality operations kasama na ang crime solution.
“Pangalawa po is iimprove po yung aming police response dapat po mabilis then iimprove po namin yung intensification ng police operations especially illegal drugs kasi sa mga shooting incidents po may nakikita akong motive na lumalabas is illegal drugs then arrest of wanted persons and illegal gambling so don po nakafocus yung direksyon po ng aming station so far don po nakafocus yung goal po ng aming pamunuan.”
Aniya, lalong paiigtingin ng Lucena PNP ang presensya nila sa iba’t ibang sulok ng lungsod para masigurong ligtas ang lungsod sa aksidente at krimen.
Ayon pa sa pahayag ni PLTCOL Ballera ang Lucena PNP ay seryoso sa pagsugpo sa lahat ng illegal na gawain dito sa lungsod upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng mamamayan ng Lucena.