Dialysis center sa Candelaria, binuksan na
Pormal nang pinasinayaan nitong Lunes, December 19 ang bagong dialysis center sa Candelaria Municipal Hospital.
Pinangunahan ito ni Quezon Governor Dra. Helen Tan kasama sina Mayor Ogie Suayan, Dr. John Loria, Kap. Nelson Punzalan at iba pang local officials.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin ng naturang pasilidad na masiguro ang maayos na sistema ng kalusugan ng mga mamamayan.
Si Fr. Francis Bingco ang nanguna sa pagbabasbas sa nasabing dialysis center.
Sa mensahe naman ni Integrated Provincial Health Office Head Dr. Kristin Mae-Jean Villaseñor, ipinaalala nito ang kahalagahan ng pangangalaga sa kidney sapagkat isa sa kinakaharap na health problem ng lalawigan ang may kinalaman sa kidney disease.
Samantala, mayroong paunang 14 na unit ng dialysis machine ang pasilidad at layon pang madagdagan sa susunod na taon.