News

Anti-dengue misting operation, muling isinagawa sa Brgy. Market View

Muling nagsagawa ng misting operation ang Barangay Health Emergency Response Team o (BHERTs) sa Barangay Market View sa Lungsod ng Lucena sa pangunguna nina Kgd. Janinne Solo Napule, committee on sectoral concerns / health and sanitation at Nurse Mart Mareden Fangon sa Lucena East 1 Elementary School sa atas na rin ni Kapitan Edwin Napule.

Ito ay matapos na muling makapagtala ng panibagong kaso ng dengue sa lugar.

Sinuyod ng BHERTs na kinabibilangan ng Barangay Health Alliance, Purok Leader / Lupong Tagapamayapa at Barangay Tanod ang paaralan na nagsagawa misting sa mga lugar na posibleng pamahayan ng lamok.

Layunin ng hakbang na ito BHERT na mapigilang makapagtala muli ng kaso ng dengue at maprotektahan ang mga batang mag-aaral sa nasasakupang barangay.

Ayon kay Kgd. Napule, hindi lamang tuwing may kaso sila nagsasagawa ng anti-dengue operation sa kanilang komunidad kundi taon-taon silang nagsasagawa nito.

Samantala, pinayuhan din ni Napule ang publiko na sundin ang ‘5S strategy’ ng DOH laban sa Dengue.

Ang 5S kontra dengue ay ‘search and destroy mosquito breeding places’; ‘secure self-protection’; ‘seek early consultation’; at ‘say yes’ to fogging or spraying’; at ’sustain hydration’.

Nagpaalala naman si Nurse Fangon sa mga magulang na agad na magtungo sa Barangay Health Center kung sakaling makaranas ng mga sintomas ng sakit ang kanilang mga anak tulad ng hindi paghupa ng lagnat, pagkakaroon ng rashes sa katawan, pagsusuka, pananakit ng tyan, at kawalan ng gana sa pagkain.

Pin It on Pinterest