News

Mga Hatchlings ng Hawksbill Turtle, Pinakawalan sa Baybayin ng Mulanay

Labindalawang Pawikan hatchlings o mas kilala bilang Hawksbill turtle ang pinakawalan nitong Huwebes, February 16, 2023 sa baybaying dagat ng Sitio Pulong Paraiso, Barangay Sta. Rosa sa bayan ng Mulanay, Quezon.

Sa tagubilin ni Mayor Aries Aguirre agad nakipag-ugnayan ang Mulanay LGU sa CENRO Catanauan upang alamin ang kundisyon ng mga bagong pisang pawikan.

Sama-samang pinakawalan ang mga hatchlings sa dalampasigan.

Ang Hawkbill turtle ay mahalaga sa pagpapanatili ng kalalagayan ng coral reefs dahil sila ang nagtatanggal ng mga “sponge” sa ibabaw ng coral reef upang magbigay sa mga “reef fish” ng malayang pamumuhay.

Kabilang ang hawksbill turtle sa mga “critically endangered” na uri ng pawikan. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpatay o paghuli sa mga ito.

Pin It on Pinterest