News

SIM card registration sa Mulanay, Quezon, umarangkada!

Inilunsad ng National Telecommunications Commission o NTC ang SIM card registration sa Municipal Covered Court ng bayan ng Mulanay, Quezon ngayong araw ng Lunes, February 28.

Ayon sa NTC, tutulong ang programa sa pagpapatupad ng SIM Card Registration Act, na nilagdaan bilang batas noong Oktubre.

Ang lahat ng public telecommunications entities sa naturang bayan ay nagtatatag ng kanilang registration platform kung saan irerehistro nila ang kanilang mga user na magpiprisenta ng valid identification card.

Batay sa implementing rules and regulations o IRR, mayroong 180 araw para makapagparehistro ang mga user sa public telecommunications entities, o kung hindi manmade-deactivate ang kanilang mga SIM.

Nagsimula ang sim card registration simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Pin It on Pinterest