News

Basic Incident Command System Training, inilunsad ng Tiaong LGU

Inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Tiaong, Quezon ang Basic Incident Command System Training sa pamamagitan ng Office of the Local Risk Reduction & Management Officer sa tulong at gabay ng mga taga Office of Civil Defense ng Region 4A at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang kawani ng lokal na pamahalaan at ilang barangay representatives.

Layunin ng Tiaong LGU na maging handa sa pagresponde lalo na sa panahon ng sakuna o trahedya, kaakibat nito ang pagiging organisado ng isang operasyon patungkol sa mga insidenteng natural o gawang-tao.

Suportado naman ng Punong Bayan na si Vincent Arjay Mea ang nasabing training dahil ito ay may kinalaman sa pagsalba ng buhay sa oras ng sakuna.

Pin It on Pinterest