General Luna senior citizens nakatanggap ng cash gifts
Namahagi ang pamahalaang bayan ng General Luna, Quezon ng cash gift sa kanilang mga senior citizen nitong Martes.
Sa programang ‘Alay sa Mahabang Buhay’ ng lokal na pamahalaan, nakakatanggap ng Php 5,000 ang nasa 86 hanggang 90 years old, Php 10,000 sa 91 hanggang 95 years old at Php 15,000 naman sa 96 hanggang 99 years old.
Ito ay bilang pagpapakita ng malasakit at suporta ng local government sa mga nakakatandang sektor.
Ayon kay General Luna Mayor Matt Florido, ang programa ay para sa lahat ng senior citizens sa kanilang bayan, kailangan lamang na nakatala ang mga ito sa masterlist ng barangay.
Samantala sa ilalim ng Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016, ang mga senior citizen na umaabot sa 100 years old ay makakatanggap ng P100,000 sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).