News

Bayan ng Sampaloc, ginawaran ng gold award sa TB-FREE campaign

Pinarangalan ng Department of Health ang bayan ng Sampaloc, Quezon para sa mga hakbang nito sa paglaban sa tuberculosis.

Iginawad ng DOH ang gold award sa Sampaloc para sa Population Testing Rate category sa ginanap na “Race to End TB 2023 Annual Awards” ceremony sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas Center, Manila nitong Miyerkules.

Personal na tinanggap ni Sampaloc Mayor Noel Angelo Devanadera ang pagkilala.

Ayon sa lokal na pamahalaan, patunay ang pagkilalang ito sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa kanilang mga mamamayan sa larangan ng kalusugan.

Ang Race to End TB Annual Awards ay isang aktibidad upang i-highlight at kilalanin ang mga pagsisikap ng mga ospital, centers for health development, lgu’s at iba pa na tumutulong sa layunin na masugpo ang Tuberculosis sa bansa.

Nakabatay ang parangal sa limang Tuberculosis outcome indicators, kabilang ang Treatment coverage rate, Population testing rate, Bacteriologically-confirmed treatment enrollment rate, Drug-resistant treatment success rate, and TB preventive treatment (TPT) enrollment.

Layon din nito na magbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga nagpapatupad ng programa at iba pang stakeholder sa bansa upang paigtingin ang mga estratehiya sa pagkaamit ng TB-free na bansa.

Pin It on Pinterest