News

Pag-angkas ng bata sa motorsiklo sa bayan ng Candelaria, aprubado

Aprubado sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang Municipal Ordinance No. 212-2023 Adopting the policy of providing for the safety of children aboard motorcycles pursuant to Republic Act No. 10666, imposing penalties in violation thereof and for other puposes sa Bayan ng Candelaria, Quezon.

Sa bisa ng ordinansa, pinapayagan sa bayan na i-angkas sa single na motosiklo ang isang bata o menor de edad.

Pero hindi lahat ng menor de edad ay maaaring umangkas sa motorsiklo, nakapaloob sa ordinsang ito na ang maaari lamang na umangkas ay iyon mga bata na maayos na naitatapak ang paa sa footpeg ng motor na nakakayapos sa nagmamaneho at dapat may kaukulang proteksyon sa ulo o helmet na naaayon din naman sa national law.

Ang ordinansa ay adoptation ng Republic Act 10666 o Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015.

Ang nilalaman ng ordinansa ay masusing pinag-aralan ng Committee on Transportation sa pangangasiwa ni 1st District Board Member Julius Luces at dumaan sa komitibang pagdinig.

“Sinuri at pinag-aralang mabuti ang adopting na nakapaloob sa 10666 at sinuring mabuti at walang anong nilabag ang ordinansa,” sabi ni Luces.

Bago pa man aprubahan sa ikalawa at pinal na pagbasa sa plenaryo ng Sanguniang Panlalawigan noong umaga ng June 19, 2023, dumaan ito sa ilang katanungan at mga paglilinaw.

Ayon sa batas, isa lang ang dapat na angakas.

Sa tanong na legal ba o naayon ba sa batas ang pag-angkas ng menor de edad sa motorsiklo?

Sagot ni Bokal Luces, batay raw sa Legal Officer ng Pamahalaang Panlalawigan nakapaloob sa batas na pinahihintulutan na umangkas sa motor ang bata hangga’t naabot ng mga paa nito ang footpeg ng motor na nakakayapos sa driver.

Ang mga lalabag dito ay maaring patawan ng mga karampatang parusa at multa na hindi tataas sa P2,500 pesos. Ayon kay Luces, tanging mga traffic enforcer at local police ng nasabing bayan ang maaaring manghuli sa mga paglabag sa nasabing ordinansa.

30 araw matapos itong aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan, maaaring ipatupad ang Implementing Rules and Regulation nito.

Pin It on Pinterest