News

Linggo ng Kabataan ipinagdiwang sa Brgy. 4 sa pamamagitan ng paglilinis

Sa pamamagitan ng paglilinis sa kanilang komunidad, ipinagdiwang ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 4 sa Lucena City ang Linggo ng Kabataan.

Ayon kay SK Chairperson Kathleen Joy Durante, sama-sama ang mga miyembro ng SK Council sa kanilang lugar katuwang ang unang batch ng iskolars (renewal) na nakatanggap ng kanilang educational assistance sa ginawang clean up drive gamit ang mga walis na sumisimbolo sa pagkakaisa.

Sama-sama silang mga kabataan sa pagwalis ng mga basurang nakalat sa purok San Raque.Bagama’t simple ang aktibidad pero makabuluhan at napapanahon.

Sabi ni Durante, mahalaga na may mga inisyatibo sa komunidad na tulad nito na hindi kinakailangan ng pondo.

Samantala, ilan lang ito sa activity ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa Barangay Kwatro. Sa susunod na linggo, magkakaroon sila ng Victory Ball, rave party at iba pang programa.

Buwan ng Agosto ipinagdiriwang ang Linggo ng Kabataan na may tema ngayon na “Green Skills for Youth: Towards a Sustainable World”.

Sabi ni Kathleen, siya bilang isang public servant kasama ng mga kapwa kabataan sa lugar ay patuloy na aagapay sa ikabubuti ng kanilang lugar.

Pin It on Pinterest