BFP Catanauan, nagsagawa ng inspeksyon sa establisyimento na nagbebenta ng mga paputok
Nagsagawa ang Bureau of Fire Protection Catanauan ng inspeksyon sa mga establisyimento sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Catanauan na nagbebenta ng mga paputok at pyrotechnic device.
Ito ay upang matiyak na nasusunod ang mga alituntunin gaya ng nakasaad sa Rule VII ng revised IRR of RA. 7183 na isang batas na kumokontrol sa pagbebenta, paggawa, pamamahagi, at paggamit ng mga paputok at pyrotechnic devices.
Habang kamakailan naman ay namahagi ang BFP Catanauan ng Fire Safety Informative Materials sa loob ng area of responsibility ng Catanauan, Quezon.
Nag-iwan din sila ng mga numero na maaaring tawagan sa panahon ng sakuna o emergency.
Patuloy pa din ang pag-ikot ng BFP Catanauan sa nasabing bayan upang magpaalala sa lahat na salubungin ang bagong taon nang ligtas, masaya at puno ng pag-asa.