Mga residente ng San Antonio, Quezon positibong tinanggap ang proyektong ipinagkaloob ng Pamahalang Panlalawigan
Positibo ang naging reaksyon ng mga residente ng Brgy. Buliran sa bayan ng San Antonion sa Lalawigan ng Quezon nang isagawa ang ground breaking ng elevated water tank sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon, San Antonio Mayor Erick Wagan ay iba pang opisyal ng lokal at panlalawigang pamahalaan.
Ang itatayong elevated water tank sa barangay ay makakapag-supply ng 30,000 liters ng tubig sa mga residente ng San Antonio. Sa pahayag ni Governor David Suarez na dumating sa okasyon, sinabi nitong kailangang bigyan ng importansiya ng bawat mamamayan ang likas na yamang matatagpuan sa lalawigan alinsunod sa pagsasagawa ng mga proyektong makakaapekto rito. Nagpasalamat naman si Mayor Wagan sa pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay tugon sa isa sa mga pangunahing pangangailangan ng kanyang bayan na patubig sa mga nangangailangang barangay.
Samantala, namahagi rin ng sako-sakong fertilizers at ilang mga pananim at kagamitan sa pagsasaka ang pamahalaang panlalawigan.