News

Chess Tournament sa Brgy. Talao-Talao, Lucena City, dinayo ng mga chess enthusiast mula sa iba’t ibang bahagi ng Quezon

Nagsama-sama ang mga chess enthusiast mula sa iba’t ibang bahagi ng Lalawigan ng Quezon para sa isang invitational Chess Tournament sa Barangay Talao-talao, Lucena City.

Layunin nitong mapalakas ang naturang sport sa nasabing komunidad na isa sa mga barangay sa Lucena City na maraming manlalaro nito.

Ang tournament ay nilahukan ng higit 40 mga chess player na ang iba ay mula sa bayan ng Sariaya, Tayabas City, Lucban, bayan ng Gumaca at General Nakar, dumayo sa Lucena City upang makilahok sa torniyo hindi lamang sa premyo at kampeonato kundi mahasa pa at lumawak ang karanasan sa paglalaro at maipamalas ang talent.

‘’Hindi naman talaga din para manalo e, pakikisalamuha ba sa mga player, pakikipaglaro na rin sa mga kapawa ko chess player ng Quezon,’’ ang sabi ni Mark Alvin Villareal chess enthusiast mula sa General Nakar.

Edad 12-anyos ang pinakabatang lumahok at 65 years old naman ang pinakamatanda.

Hindi rin basta-basta ang mga sumali na ang ilan ay mga Quezon Chess Master na maraming beses ng naging champion ng iba’t ibang chess tournament sa probinsya maging sa mga kalapit na Lalawigan gaya ng 13-anyos na batang si Jenoiel Perez, chess player mula sa Bayan ng Sariaya.

Sabi nya bukod sa nais nyang may mga makalaban pang ibang mahuhusay sumasali sya sa torneyo upang ma-expose ang kanyang talent, makilala pa sa ibang lugar, upang makapag bigay ng inspirasyon sa paglilinang ng kakayahan sa paglalaro ng chess.

Lumahok din sa ginawang chess tournament sa Talao-talao ang 18-anyos na manlalarong si Jethro Aquino ang chess player ng Lucena City na sa sumasali noon sa mga international tournament.

Ang torniyong ito ay programa ng Sangguniang Kabataan at ng Sangguniang Barangay ng Talao-Talao na layuning mai-promote ang naturang sport hindi lang ang kanilang lugar maging sa buong Lungsod at Lalawigan.

7 Round Swiss System Time Control 10+2 Seconds Increment ang magiging presesso ng tournament at mananalo para sa 1st place ay makakatangap ng 5,000 pesos, 3, 000 naman sa Second Place, 2,000 naman sa 3rd place, 1,000 sa fourt at 500 sa fifth place.

Sinabi ni Kapitan Reil Briones na kilala rin bilang Chess enthusiast sa lugar posibleng maulit pa sa kanilang komunidad ang toriyong ito.

Dagdag pa ng Kapitang Barangay, bahagi rin daw ito ng promosyon ng turismo ng kanilang lugar, dahil sa invitational ang torniyo, makikita ang iba’t ibang delegado mula sa ibang bayan ang yaman at atraksyon ng kanilang pagpapalakas din ang iba’t ibang uri ng sport na kaya nilang gawin, pangkaisipan man o pampalakasan maging ng online sport na nakaraang araw lang nagkaroon sa barangay ng Mobile Legend Tournament.

Pin It on Pinterest