News

Bomba natagpuan sa bakanteng lote sa Real, Quezon

Isang general purpose bomb 250 pounds ang nahukay at natagpuan sa isang bakanteng lote sa Purok 6 Barangay Tanauan, Real, Quezon.

Base sa impormasyon mula sa Real PNP, natagpuan ang lumang bomba ng isang nagngangalang Villardo Aumentado, 64 anyos, residente ng nasabing barangay Miyerkules ng hapon, October 12, 2022.

Matapos matagpuan, agad naman na inireport ng isang concerned citizen sa mga pulis ang vintage bomb.

Base sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na isa itong ‘general purpose bomb.’

Kaugnay nito, agad ding kinuha sa lugar ang unexploded ordinance ng mga tauhan ng EOD K9 Group, Quezon Provincial EOD.

Samantala, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa natagpuang unexploded ordnance.

Pin It on Pinterest