News

Butanding, nailigtas sa Tagkawayan, Quezon

Matagumpay na nailigtas ang isang “Rhincodon Typus” o mas kilala sa tawag na Butanding matapos na mastranded sa mababaw na bahagi ng karagatan sa bayan ng Tagkawayan, Quezon nitong Martes ng hapon, January 3.

Una rito, namataan ng isang Bantay Dagat ang naturang Butanding bandang alas 5:00 ng hapon malapit sa mga baklad o fishing nets kung saan panginginain ng maliliit na isda ang posible umanong tinitingnang dahilan sa pagkakapadpad ng butanding sa naturang bahagi ng karagatan.

Agad namang na-rescue ang Butanding sa pagtutulungan ng PNP Maritime Group 3rd Special Operations Unit Tagkawayan kasama ang mga Bantay Dagat Volunteers sa naturang bayan.
Dahil dito, nagpaabot naman ng pasasalamat si Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar sa pagrescue at paggabay sa butanding patungo sa mas malalim na bahagi ng karagatan ng Quezon.

Panawagan naman ng International Union for Conservation of Nature sa publiko na huwag tangkaing gawan ng masama ang whale shark na kabilang sa endangered species.

Kinakailangang mapangalagaan at hindi saktan sakaling makakita ng mga ganitong uri ng whale sa mga dalampasigan.

Pin It on Pinterest