Child Friendly Community, nais ng Brgy. Market View
Pangarap na maging isang child friendly community ang Barangay Market View sa Lucena City.
Pinaiigting ngayon sa barangay ang pagpapatupad at pagtataguyod ng karapatan at pagbibigay proteksyon sa mga bata. Ang mga batas patungkol dito ayon kay Kagawad Jannine Napule ang Chairperson ng Committee on Sectoral Concerns ng kanilang mga barangay ay binababa daw nila sa mga purok ng kanilang lugar upang higit na maunawaan ng kanilang mamamayan.
‘’Napakahalaga po na sa libel palang po ng barangay o sa family which is the first unit of the community ay madiscuss na po natin yoong sampung karapatan ng mga bata, dito po tinatalakay kung ‘yung mga dapat at hindi na taglayin ng mga bata kung paano po natin sila maalagaan, upang maging mabuting mamamayan po sila ng ating barangay”.
Kamakailan lang matapos dumalo ng opisyal sa ginawang Workshop on the Formulation of Comprehensive Barangay Juvenile Intervention Program (CBJIP) kung saan tinalakay ang mga gagawing kapamaraanan ng barangay upang mabawasan ang kaso ng Children-in-Conflict with the Law (CICL) at Children at Risk o mga menor-de-edad na lumalabag sa batas maging ang mga inaabuso.
Kagaad ito ibinababa at tinalakay ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) nagkaroon kaagad ng pagpupulong sa kanilang Barangay patungkol dito na idinaos ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC).
‘’Kailangan po mauna sa council kung saan na sila iyong makakatuwang namin ng pagpapatupad po ng programa’’.
Si Kagawad Janine ay nagmungkahi ng mga programa para sa isasagawang Comprehensive Barangay Juvenile Intervention Program kaugnay nang dinaluhang workshop.
“Kinakailangan na makagawa ng komprehinsibong plano upang tumutok sa mga gawain o mga programa na nararapat sa mga bata natin na child at risk tsaka yong tinatawag natin na children in conflict with law “.
Na ang pinakalayunin daw ang bigyang proteksyon at ituwid ang ano mang pagkakamali ng mga bata sa kanilang komunidad na hakbang para sa isang child friendly barangay.
‘’Maibigay po natin ang tamang impormasyon sa sampung karapatan ng mga bata na dapat taglayin ng mga bata, magabayan po ang bawat pamilya at siyempre po maging child friendly barangay ang ating barangay”.
Ang barangay Market View ang barangay sa Lucena City na nabigyan ng mataas na grado sa Barangay Council for the Protection of Children functionality audit 2022.