News

Pagbuo ng Avian Influenza Task Force sa Tiaong, Quezon, aprubado na sa ikalawang pagbasa ng SP Quezon

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang isang ordinansa hinggil sa pagbuo ng Avian Task Force Group sa bayan ng Tiaong, Quezon.

Ito ay upang magmonitor ng mga manok na apektado ng Avian Influenza, na papasok sa gateway ng probinsya sa bayan ng Tiaong.

Kamakailan ay kinumperma ng Department of Agriculture (DA) ang isang local outbreak ng Avian Flu.

Ang nasabing sakit ay maaaring manatili sa hangin sa pamamagitan ng droplets o dust na kumakalat sa pagpagaspas ng pakpak at pagkilos ng mga manok o ibon.

Sa bihirang pagkakataon, maaari ring mahawaan ang mga tao ng avian flu virus sa pamamagitan ng paghawak sa mata, ilong, at bibig matapos humawak sa ibon na nagdadala ng virus o sa mga nadapuan nito.

Kahit mukhang malinis o malusog ang manok, maaari pa rin itong magdala ng virus.

Kaugnay nito agaran namang sinangayunan na mapagkaisahang mapagbotohan ng mga miyembro ng Lehislatura na maaprubahan sa pangunguna ni Quezon Vice – Governor Anacleto Third Alcala sa kanilang isinasagawang Regular Session sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.

Pin It on Pinterest