News

Coun. Manong Nick Pedro Jr. pinasalamatan ang pagiging Gentleman Legislator ni Bokal Ubana

Taos-pusong ipinaaabot ni Konsehal Manong Nick Pedro Jr. ang kanyang pasasalamat kay Majority Floor Leader ng Sangguniang Panlalawigan Board Member Sonny Ubana at kay Quezon Provincial Attorney Rei Baligod.

“Please let me extend my heartfelt thanks and gratitude to the two respectable officials of the Province of Quezon Provincial Attorney Rei Baligod and the Majority Floor Leader of the Sangguniang Panlalawigan Board Member Honorable Sonny Ubana.”

Ito ay dahil umano sa paraan ng kanilang pagpapaliwanag at paglalarawan ng kanilang mga komento sa isyu hinggil sa Ordinansang ipinasa kamakailan sa Lungsod ng Lucena.

Ang ordinansang ito ay ang “An ordinance mandating all contractors to whom National, Provincial and all Government public works and infrastructure project have been awarded, to secure clearance from the City Government of Lucena before its implementation and imposing penalties for the violation thereof” kung saan naging mainit na usapin ito kamakailan.

Ayon kay Konsehal Pedro, sa pagpasa ng nasabing ordinansa umani ng iba’t ibang komento mula sa Provincial Board Members hanggang sa maglabasan ang mga haka-haka, kaya naman hindi na nag aksaya ng panahon ang Sangguniang Panlungsod at agad na nagsikap na sagutin, ipaliwanag, at ilatag ang mga katotohanan hinggil sa nasabing ordinansa.

“You remember its passage that garnered the ire of some Provincial Board Members that unfortunately, raised conjectures bordering to insult and malice to the ordinance, to which we in the Sangguninang Panlungsod have not wasted time and immediately exert efforts to answer, explain, and lay down the facts at hand.”

Dagdag pa ni Konsehal Manong Nick na bagamat may magkakaibang paninindigan ang bawat partido ngunit ipinakita nina Board Member Ubana at Atty. Baligod sa pagiging maginoong paraan na nagpapakita ng kagandahang-loob para sa Konseho ng Lungsod ng Lucena.

“Gentlemen Baligod and Ubana of course had their own argument and proposal in trying to settle the issue during last Monday’s session. We may not agree with their mindsets but still they presented it in a gentlemanly manner exuding with parliamentary courtesies for us in the Lucena City Council. Thank you, Gentlemen!”

Pin It on Pinterest