Dolores, Quezon, tinanghal na Top 3 bilang most competitive LGU sa 3rd at 4th class municipalities
Tinanghal na Top 3 bilang Most Competitive LGU Award sa katergorya ng 3rd at 4th Class Municipalities ang Pamahalaang Bayan ng Dolores, Quezon.
Ito’y base sa 2022 Cities and Municipalities Competitive Index o CMCI ng Department of Trade and Industry o DTI kamakailan.
Ang CMCI ay annual ranking ng mga lungsod at munisipalidad sa bansa kung saan ibinabase ang pagmamarka sa limang batayan ng competitiveness na kinabibilangan ng Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency at Innovation
Labis namang nagpapasalamat ang Dolores LGU sa pangunguna ni Mayor Orlan Calayag kay Governor Doktora Helen Tan at DTI Quezon dahil sa pagbibigay ng naturang karangalan, gayundin sa lahat ng mga pampubliko, pribadong tanggapan, mga opisyales na naging katuwang para makamit ang parangal na ito sa patuloy na pagpapaunlad ng ekomiya sa bayan.