Dating konsehal na naging kawani ng lokal na pamahalaan ng San Jose, Batangas, sugatan sa pamamaril
Sugatan ang dating konsehal na ngayon ay Local Legislative Staff Officer ng San Jose, Batangas matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan, Lunes ng umaga.
Ayon sa ulat ng San Jose Municipal Police Station, habang sakay ng kanyang SUV si Ronald Ilao Afritado sa Brgy. Calansayan, bigla na lamang siyang binaril ng ilang ulit ng hindi pa nakikilalang suspek.
Nagtamo ang biktima ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek na agad na tumakas sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Lipa City