Empleyado ng Public Market Bakunado Na!

Lahat ng empleyado ngayon sa public market ay may bakuna na – ito ang pahayag ni Lucena City Public Market Administrator Noel Palomar sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick sa Bandilyo.ph

Ayon kay Palomar nakaschedule na rin ngayong araw (October 21, 2021) ang mga natitirang empleyado na hindi pa nababakunahan, “meron pang hindi pa, ngayong pong araw na ito ang public market ang naka schedule na bigyan ng mga vaccination.”

Dagdag pa ng Public Market Administrator, sinabi rin sa kanya ng City Health Officer na dapat ay magkaroon ng herd immunity sa public market. Sana raw ay makasama sa priority ang mga maninindahan ng public market.

“Sabi nga po sakin ni Doktora Joy (City Health Officer) dapat magkaroon ng herd immunity dito sa public market kaya sabi nya sana ay mabigyan ng priority ang mga taga public market na lahat ng maninindahan dito ay maturukan.”

Sinabi naman ni Palomar na ginagawan na nila ng aksyon kasama ang Lucena City Government para mabakunahan na rin ang mga manininda sa public market.

Pin It on Pinterest