News

Good Financial Housekeeping, Iginawad Muli Sa LGU Calauag!

Muling ginawaran ang Pamahalaang Bayan ng Calauag, Quezon ng 2022 Seal of Good Financial Housekeeping matapos pumasa sa isinagawang Audit ng Department of Interior and Local Governmento DILG.

Ang certification ay ibinibigay sa local government units na nakapag-comply sa transparency aspect ng SGLG, nangangahulugan ito na ang Calauag LGU ay may mainam na FINANCES AND ACCOUNTABILITY o mahusay sa pananalapi.

Ito ang pinakamataas na pagkilala na ipinagkakaloob sa isang probinsiya, munisipalidad o maging siyudad dahil sa matapat at matalinong paggastos ng pondo ng pamahalaan.

Magugunitang isa sa mga programa ni Mayor Rosalina Visorde ang mapanatili ang bayan ng Calauag, Quezon na maging isang bayang ehemplo sa pagbibigay ng programang tapat at malinis na pag-gasta para sa taong bayan.

Mahigpit rin nitong tinututukan ang bawat implementasyon ng programa na naaayon sa pangangailangan at kapakinabangan ng taumbayan.

Pin It on Pinterest