News

Guinayangan, inilunsad ang bagong medical equipment

Mapapakinabangan na ng mga residente ng Guinayangan, Quezon ang bagong Blood Chemistry Analyzer ng kanilang Municipal Health Office matapos itong ilunsad ngayong Martes, Enero 10.

Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pa lumuwas ng mga residente ng bayan sa mga karatig-lugar para sumailalim sa blood chemistry test.

Ayon sa local government, sinikap talaga nila na magkaroon ng ganitong equipment dahil batid nila ang kahalagahan ng kalusugan.

Pinangunahan ni Mayor Maria Marieden Isaac, kasama sina Committee Chair on Health Glenn Butardo, Dr. Angel Ardiente at Rea Joan Formanes Medical Technologist II ang launching ng naturang medical equipment.

Nagkakahalaga ang blood chemistry test ng P1,200 para sa mga regular na pasyente at P960 naman para sa mga senior citizen, pwd at mga solo parent.

Magagamit ang Blood Chemistry Analyzer ng Municipal Health Office tuwing Lunes hanggang Huwebes, 6:30-8:30 ng umaga.

Pin It on Pinterest