News

Pagusulong ng Drug Free Workplace, inilunsad sa Lucena City

Lumagda sa isang kasunduan ng buong pagsuporta ang mga hepe ng iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan ng Lucena City para sa pagsusulong ng Drug Free Work Place.

Umaga ng May 17 ng taong kasalukuyan inilunsad na ng City Anti-drug Abuse Office sa Lungsod ng Lucena ang pagiging malinis sa ipinagbabawal na gamot ang lahat ng mga empleyado sa Lokal na Pamahalaan.

‘’100% po ng mga hepe ang mga Department Heads at mga chief of offices po sa atin sa City Government of Lucena ay nagpakita ng suporta sa programa po natin sa Drug Free Work Place.”

Sinimulan ito sa Seminar, Policy and Commitment Signing na dinaluhan ng mga pinununo ng iba’t ibang opisina ng Lucena LGU at representante ng ilang national agency.

Nagkaroon ng discussion patungkol dito ang PDEA, ilan sa mga tinalakay ang kahalagahan ng pagiging Drug Free Workplace, mga hakbang na dapat gawin kung paano ito makamit, mga legal basis sa polisiya hinggil dito, kabilang din ang pagsasagawa ng drug testing sa mga kawani.

Ang mga ito ay ilan sa mga sangkap upang maideklara ang suydad bilang drug cleared City.

Bagay na pinagtutulungan at pinagsusumikapang matupad ng PDEA Quezon, City Anti-Drug Abuse Office at LGU sa lalong madaling panahon.

Pinagtibay din ng mga lagda nina Lucena City Mayor Mark Alcala, Vice Mayor Roderick Alcala, Melanie Ornillo ang pinuno ng Lucena City Government Employees Union, Dra. Criselda David ang City Human Resource Management Officer at Ms. Francia Malaban ang City Anti-drug Abuse Officer ng Lucena City ang mga polisiya sa pagpapatupad ng Drug Free Work Place ng Lucena LGU.

Ang mga natalakay sa seminar na ito sa pagsusulong ng Drug Free Workplace ay ididiscuss naman ng mga deparment head sa mga empleyado ng kani-kanilang opisina.

Bahagi rin ito ng sustainable anti-drug abused program ng City Anti-drug abused Office ng Lucena LGU sabi ng hepe nito na si Francia Malaban dapat daw ang nasa gobyerno ang panguna sa pagsusulong nito.

Nakatakdang magkaroon ng surprise at ramdom drug testing sa lahat ng mga kawani ng pamahalaang lokal.

Samantala, magsusulong raw ng isang ordinansa sa Sangguniang Panglungsod sa pagpapatibay ng programang ito patungkol sa pagsawata sa illegal drugs sa syudad na ibaba rin hanggang sa lebel ng barangay.

Sinabi ni Malabanan noon pa man seryoso ang lokal na pamahalaan na labanan at linisan sa iligal na droga ang Lungsod ng Lucena.

Pin It on Pinterest