News

Pasyente ng Quezon Medical Center, Patay matapos umanong tumalon mula sa ikatlong palapag ng gusali

Patay ang isang pasyente ng Quezon Medical Center matapos umanong tumalon mula sa ikatlong palabag ng gusali ng naturang Ospital.

Nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa ulo dahilan ng pagkamatay nito. Kinilala ito na si Exequiel Delica Rioflorido, 42-ayos, Residente ng Sampaloc Sto. Cristo, Sariaya, Quezon.

Batay sa report ng Lucena City PNP, alas 3:00 ng hapon Oktubre 11, 2022 ng mangyari ang insidente, bigla nalang umanong tumalon ang biktima at bumagsak sa ground floor ng lobby area ng Ospital.

Sa imbistigasyon ng pulisya ang biktima at ilalabas na sana ng pagamutan sandal umano itonmg iniwan ng kanyang asawa upang asikasuhin ang paglabas ng pagamutan ng mangyari ang insidente.

Naconfine ang biktima noong October 7 , 2022 dahil sa low hemoglobin at sumailaim sa pagsasalin ng dugo. Balisa umano ang pasyente simula ng dalhin sa ospital.

Patuloy parin naman daw ang ginagawang imbistigasyon ng Lucena Police sa nangyari.

Sa official statement QMC, handa raw silang magbigay ng ano mang uri ng tulong sa biktima at patuloy silang makikipag-ugnayan sa kapulisan.

Pin It on Pinterest