Higit P2-M halaga ng shabu, nasabat sa General Luna, Quezon
Timbog ang dalawang babae matapos mahulihan ng mahigit 2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operations sa General Luna, Quezon nitong Linggo ng umaga, January 29.
Batay sa pulisya, nagsagawa ng operasyon bandang 1:45 ng umaga sa Sitio Malalim, Barangay San Jose kung saan nahuli sina Melody Platino Revilloza alyas Mami, 41-anyos tubong Torijos Marinduque na tinaguriang High Value Individual at si Marie Maaño Baldoviso alyas Marie, 45-anyos kapwa residente ng nasabing lugar.
Kabilang sa nakuha sa mga suspek ang 20 plastic sachet ng hinihinalagang shabu na may timbang na 100 na gramo at may street value na tinatayang nasa P2,040,000.00, 14 na piraso ng isanglibong piso bilang buy bust money at sling bag.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.