House to House distribution ng Infant Supplementary Food Mix sa bayan ng Atimonan
Kabilang sa layunin nina Mayor Ticoy Mendoza kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Zenaida Veranga ang pangangalaga sa kalusugan at maiwasan ang malnutrisyon ng mga bata sa bayan ng Atimonan.
Pinangunahan ng Rural Health Unit Atimonan, mga Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers ang pamamahagi ng Infant Supplementary Food Mix.
Bahagi nito ang isinasagawang Tutok Kainan Supplementation Program: House to House Distribution of Weekly Supply of Infant Supplementary Food Mix sa pamamagitan ng RHU Atimonan, katuwang ang mga Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers.
Magtatagal ang programa sa loob ng anim na buwan, kung saan bibigyan ng karagdagang pagkain ang mga buntis at batang may edad 6-23 months old.
Kahapon, February 21, 2023 ay nagsimula nang mamahagi ng RIMO Cereals sa 150 na bata sa mga barangay ng Tagbakin, Zone III Pob. at Zone IV Pob., tututukan din umano ang pagpapakain sa mga bata hanggang sa makamit na ang kanilang tamang timbang.