News

Ilang ordinaryong mamamayan, umaasang aangat ang buhay

Pagtitinda lang ng isda ang hanapbuhay ni Sheryl at dito niya itinataguyod ang kaniyang pamilya. Kahit mahirap daw ang buhay ay umaasa pa rin siyang aangat ang kanilang pamumuhay.

“Oo naman, ang ano naman kung magsusumikap ka eh hindi mo naman kailangang iasa sa iba eh yun lang naman yon eh at tsaka syempre tatawag ka sa kanya.”

Naniniwala rin ang ilang mamamayan na na sila ay uunlad pa sa kabila nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Oo naman po, tiwala lang sa Diyos, syempre po magsipag pag patamad tamad edi wala.”

“Aangat pa din hindi naman nasasanay ang tao na lubog pa din kailangan umangat din, magsisikap pa din.”

Ayon sa Social Weather Stations o SWS, halos 50 porsiyento ng mga Filipino ay positibo na bubuti ang ekonomiya ng bansa ngayon 2023.

Batay sa survey na isinagawa ng SWS noong Disyembre 10 hanggang 14, 48 porsiyento ang umaasa ng pagsigla ng ekonomiya, 33 porsiyento ang naniniwala na walang magbabago, samantalang siyam na porsiyento ang nagsabi na sasama pa ang kondisyon.

Ayon pa sa SWS, ang net optimism ay isang punto na mababa lamang sa ‘excellent’ +41 na naitala noong Oktubre.

Nanatiling excellent sa Metro Manila sa +47 bagamat bumaba ito mula sa +52.

Bumaba din sa Balance Luzon, +40 mula sa +40, samantalang nanatiling ‘fair’ sa Visayas, +27 mula sa +27.

Sa Mindanao, umangat sa +45 mula sa +32.

Pin It on Pinterest