News

Infra projects tututukan sa taong 2023 ng Barangay 10 sa Lucena City

Nais tutukan ni Kapitan Arnel Magbanlac ng Barangay 10 sa Lungsod ng Lucena ang mga infrastructure project para sa taong 2023.

Sinabi ni Magbanlac, on-going na ngayong taon ang pagsasaayos ng Day Care Center sa nasabing barangay para matugunan ang problema ng mga Day Care Pupil sa tuwing umuulan.

“So by plan ng aking 2023 ay lalo na sa ating mga kabarangay so nakikita niyo ginagawa ‘yung ating Barangay Day Care Center so ito ay may phase 2 kung tawagin namin sa ating Sangguniang Barangay. So ito ay aming pina-slab kawawa naman kasi yung ating mga bata dahil nagtututuluan ang kanilang school so minarapat ng Sanggunian Barangay na ito ay ipagawa,” ani Magbanlac.

Dagdag pa ng punong barangay, plano ng kanyang administrasyon na palawakin ang Barangay Hall na siyang magsisilbing evacuation center ng mga residente kapag may kalamidad.

“So by 2023 ang atin namang Barangay Hall sa itaas ay ating palalawakin at ito ay magiging katuwang na rin ng ating evacuation center sa ating 2023 project ng 20% development fund ng ating barangay,” saad ni Magbanlac.

Sinabi ng Punong Barangay malapit nang matapos ang pagsasaayos ng Day Care Center sa lugar na inaasahang magagamit sa Pebrero ngayong taon.

Maliban sa pondo ng barangay, nagkaloob rin ng pondo ang Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa pamumuno ni Mayor Mark Alcala ng nasa P500,000.00 na siyang gagamitin sa paglalagay ng mga solar street lights sa kahabaan ng Purok Sampaguita bilang hakbang na rin sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa nasasakupan.

Pin It on Pinterest