News

Mga bayan sa Quezon, sumailalim sa post-disaster needs assessment kaugnay sa naging pinsala ng Bagyong Paeng

Bumisita ang ibat’t ibang tanggapan ng national government sa mga bayan sa Lalawigan ng Quezon upang magsagawa ng post-disaster needs assessment (PDNA) kaugnay sa pinsalang dulot ng bagyong Paeng.

Layon nito na bumuo ng komprehensibong plano para tugunan ang pangangailangan ng mga biktimang naapektuhan ng bagyo noong nakaraang taon.

Sa bayan ng Guinayangan, hiniling ni Mayor Maria Marieden Isaac sa Office of the Civil Defense (OCD) na maisama sa programa ng tanggapan ang sektor ng agrikultura sa bayan dahil ito ang pangunahing sektor na pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga residente sa bayan.

Sa bayan naman ng Tiaong, na-validate ang overall damage ng bagyo na nahati sa apat na sektor: Cross Sectoral, Infrastructure, Productive, at Social. Ang mga resulta ay magiging basehan para sa rehabilitasyon at sa pondong matatanggap ng Pamahalaang Lokal.

Ayon naman sa lokal na pamahalaan ng Infanta, mahalagang bahagi ng post-disaster needs assessment na nabibigyan ng pagkakataon ang mga local government na mailahad ang mga pangangailangan nito upang patuloy na maitaguyod ang mga programa at proyekto patungkol sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mamamayan sa anumang uri ng sakuna.

Pin It on Pinterest