News

Isang sunog sumiklab sa bayan ng Gumaca, Quezon

Isang sunog ang naganap sa Brgy. Maunlad Gumaca, Quezon kahapon, May 8, 2023 bandang 3:36 ng hapon.

Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection Gumaca sa pangunguna ni Fire Marshal SINSP Romano C. Olviga.

Nagtungo rin sa pinangyarihan ng sunog si Mayor Webster D. Letargo upang kumustahin ang kalagayan ng mga nasunugan.

Naroon ding rumesponde ang iba pang ahensya gaya ng GTMO na nanguna upang gabayan ang mga motorista sa trapiko, KALASAG-MDRRMO na nakaantabay upang sumaklolo at magbigay ng paunang lunas sakaling may sugatan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng BFP Gumaca posibleng electrical wiring ang sanhi ng nasabing sunog sa residential house na may apat na miyembro ng pamilya.

Ang bahay ay gawa sa light materials at may tinatayang Php 200,000.00 ang halaga ng pinsala.

Samantala, idineklarang fire out bandang 4:45 ng hapon, wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing insidente.

Kaugnay nito, muling nagbigay ng paalala ang BFP Gumaca at ang Lokal na Pamahalaan ng nasabing bayan sa mga nasasakupan na maging maingat upang makaiwas sa sunog.

Pin It on Pinterest