News

Kaisa-isang nakapasa sa Real Estate Consultant Licensure Examination, mula sa Lucena City

Pasado ang isang babae mula sa Lungsod ng Lucena na kumuha ng Real Estate Consultant Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission o PRC noong Huwebes, January 19.

Ayon sa PRC, ang naturang pagsusulit ay ibinigay ng Board of Real Estate Service sa Manila at Cebu noong December 7, 2022 na binubuo ng Written Exam, at January 9 hanggang 13, 2023 isinagawa ang Revalida o Revalidation ng mga resulta.

Isa si Maria Dani Vi Patal Edrad ang kaisa-isang nakapasa sa Real Estate Consultant Licensure Examination na residente ng Barangay Mayao Kanluran ng naturang lungsod na tagumpay sa 17 indibidwal na kumuha ng Real Estate Consultant Licensure Examination.

Si Edrad ay alumna sa University of the Philippines – Diliman.

Nitong Lunes, January 30, tumanggap ng certificate of recognition and awarding mula sa Sangguniang Panlungsod ng Lucena ang naturang lone passer dahil sa nakamit nitong tagumpay sa examination.

Ito’y sa bisa ng isang draft resolution no. 19249.

“A resolution congratulating Ms. Maria Dani Vi Patal Edrad honor outstanding achievement as the lone passer of the 2022 of Real Estate Consultant Licensure Examination given by the board of Real Estate Service , where as the Professional Regulation Commission announces that out of 17 examinees who took the examination given by the Board of Real Estate Service there is only one who successfully passed the written exam and revalidation of the results of interview held on December 7, 2022 and January 2023 Respectively”.

Pin It on Pinterest