News

Lucban PNP, namahagi ng regalo sa kabataang Lucbanin

Namahagi ang Lucban Municipal Police Station ng Christmas gift sa 60 mga kabataan mula sa Christ is the Answer Church sa Brgy. 6 ng Lucban, Quezon.

Ang pamahahagi ay ginawa nitong Sabado, December 17, 2022.

Pinangunahan ni PLT. Arjon Oxina, ang hepe ng Lucban PNP ang pamamahagi ng regalong pamaskong mga laruan para sa mga bata.

Kasabay nito, nagsagawa rin ang pulisya ng feeding program.

Ayon kay Oxina, ang programa ay taun-taon nilang isinasagawa upang makapagbigay ng tuwa at saya sa mga batang nakinabang sa kanilang pamaskong handog.

Sa mensahe naman ng opisyal, sinabi nito na hindi raw sila magsasawang maglingkod sa mamamayan at pagpapanatili ng maayos, tahimik at mapayapang kapaligiran para sa bawat isa.

Pin It on Pinterest