News

Talao-talao Bay Walk, ongoing na ang construction

Ongoing na ang construction sa Talao-talao Bay Walk, ito ang pahayag ng Tourism Officer, Arween Flores sa programang Usapang Tapat ng Bandilyo.ph.

“Ngayon po ay ongoing na po ang construction ng Talao-talao Bay Walk, itong lates na ito ay pinag uusapan palang naming ni Kapitan nung ako ay bagong sampa sa tourism” ayon kay Flores.

Dagdag pa ni Flores na ito ay panibagong tourist attraction sa Lungsod ng Lucena.

“Ito po ay kasalukuyang ginagawa na po yung bay walk na isang karagdagan pa na magiging attraction o destination” pahayag ni Flores.

Aniya, ito ay dahil sa suporta ng Alkalde ng lungsod kaya naman mainagat at buhay ang tourism sector sa Lucena City. Samantala, kasalukuyan ding ginagawa ang isa pa sa maaaring tourist attraction sa lungsod ng Lucena, ang Floating Restaurant kung saan matatandaang sinabi ni Mayor Dondon Alcala na kauna-unahang Floating Restaurant sa lungsod.

Pin It on Pinterest