Mag-live-in partner arestado sa iligal na droga
Arestado sa Purok 7, Brgy. Dalahican, Lucena City ang maglive-in parter na kinilalang sina Joseph Joshua Abenilla, 27-anyos at Hazel Easter Kris Lacson, 37-anyos, kapwa residente ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City.
Kabilang sila sa streel level Individual drug suspect ng Quezon Police Provincial Office matapos silang mahulihan ng iligal na droga sa joint buy-bust operation ng mga awtoridad.
Batay sa report ng Lucena Police, alas 6:35 ng gabi, Setyembre 18, 2023 positibong umanong nabilihan ang dalawa ng iligal na droga ng police na nagpanggap na buyer sa tulong ng isang confidential informant.
Gamit ang body camera, napatunayang positibo ang operasyon. Aabot sa mahigit P125,000 na street value ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek, nabawi rin ang perang ginamit bilang buybust money.
Nakakulong na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.