News

Paglalagay ng Permanenteng Timbangang Bayan sa Pamilihan sa General Luna, aprubado sa SP Quezon

Aprubado sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang isang ordinansa sa Bayan ng General Luna Quezon na nagtatakda na magkaroon ng regular na timbangang bayan sa loob ng pamilihan ng Munisipalidad at paglalagay ng calibration sticker sa lahat ng timbangan ng nasasakupan ng General Luna.

Matapos ang ginawang committee hearing sa ilalim ng Committee on Trade on Industry na pinamumunuan ni 2nd District Board member Vinnette Alcala-Naca hinggil sa nilalaman ng ordinansa, umaga ng Abril 17, sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang ordinansa unanimously approved.

Samantala, noong Abril 13, 2022 nilagdaan na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na magtatatag ng Timbangan ng Bayan Centers sa public at private markets para protektahan ang mga mamimili mula sa mapanlinlang at “unfair sales acts and practices.”

Ang RA 11706 ay nag-aamiyenda sa Chapter II, Title III ng RA 7394 o mas kilala bilang Consumer Act of the Philippines.

Sa ilalim ng batas, inaatasan ang lahat ng Provincial, City, at Municipal Governments na magtayo ng accessible Timbangan ng Bayan Centers sa lahat ng public at private markets, kabilang na ang mga supermarkets.

Samantala, sa naturang regular na Sesyon, aprubado ang isa pang ordinasa sa naturang bayan na nag-aatas sa lahat ng maninidahan sa loob at labas ng pamilihan sa General Luna na maglagay ng price tag sa mga itintindang isda, gulay, prutas at karneng baboy, baka, kalabaw manok at iba pang kauri nito.

Pin It on Pinterest