News

Mga CCTV Malaking Tulong sa Paglutas ng Krimen sa Brgy. 2

Planong magdagdag ng Pamahalaang Barangay ng Barangay 2 sa Lungsod ng Lucena ng Closed-Circuit Television o CCTV camera para sa seguridad at pagpapabilis sa paglutas ng mga krimen na nagaganap sa sa kanilang lugar.

Ito ang sinabi ni Kapitan Enrico De Los Rios sa eksklusibong panayam ng Bandilyo.ph

“Una ito po ‘yung ginagamit po natin sa gabi, alam po naman natin na ‘yung magnanakaw nakikita po natin kahit hindi ka nakatingin ay mayroon po tayo na kapag nawala makikita po natin kung sino ang kumuha,” sabi ni Kap. De Los Rios.

Ayon pa kay De Los Rios, sa pamamagitan rin daw ng mga CCTV Camera ay matutukoy kung sino ang mga taong iresponsable sa pagtatapon ng basura o ang basta na lamang nag-iiwan ng basura sa kanto.

“Isa pa ho ay ‘yung ginagamit po natin sa bawat kanto sa solid waste na mga nagtatapon na kung minsan ho ay dala po ng tricycle o kotse nila na inilalagay po sa kanto-kanto at nagtataka nga po kami kung bakit merong mga basura ay ito naman po ay bawat kagawad po ay pinakikiusapan po natin ‘yung mga establishment po natin nagtataka po kasi kami bakit meron po sa bawat kanto,” ani Kap. De Los Rios. Malaki raw ang maitutulong ng CCTV Camera sa pagsugpo ng kriminalidad. Layunin ng karagdagang CCTV Camera sa nasabing barangay na mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa komunidad.

Pin It on Pinterest