News

Mga inilipat na buto sa bone crypt ng lumang sementeryo sa Bgy. Ibabang Dupay, maaari bang dalawin?

July ng kasalukuyang taon nang simulan ang rehabilitasyon ng lokal na pamahalaan sa Old Cemetery sa Red-V Barangay Ibabang Dupay Lucena City. Tinatayang nasa 20% na ng mga buto ng mga nakahimlay sa lumang himlayan na tinatayang higit limang ektaryang ang lawak ang nahuhukay na.

Sa taya ng sinasabing caretaker sa lumang sementeryo sa 20% na nahuhukay ay nasa 400 buto ng mga nakahimlay ang nailipat na sa itinayo nilang bone crypt.

Ang ilan ay nananatili pang nasa tinatawag nilang storage na nakalinya na rin daw para ilagay sa bone crypt.
Sa paggunita ng araw mga patay sa November 1, sa tanong na maari bang dumalaw sa lumang sementeryo partikular sa mga butong inalis na ilipat sa bone crypt? Posible raw na dalawin na ito, may mga registered number ang mga buto na hawak rin naman ng mga kaanak at iyong mga buto na nasa storage pa ay maglalagay daw dito ng isang flooring upang tirikan ng mga kandila ng mga kaanak na nais dumalaw.

Patuloy na kinukumpirma ng aming himpilan ang mga bagay na ito sa City Planning ng lokal na pamahalaan.

Sa ngayon tanging ang bungad pa lang ng naturang lumang sementeyo ang sumasailalim sa rehabilitasyon at ongoing ang ginagawang rehabilitation.

Samantala matapos ang rehabilitasyon sa unahang bahagi nito, ilang yumaong Lucenahin na ang inilibing dito matapos magawa ng mga bagong libingan.

Pin It on Pinterest