News

Selebrasyon ng Dental Health Month, isinagawa sa Dolores

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Dental Health Month Celebration ngayong Pebrero, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Dolores, Quezon ang selebrasyon sa pamumuno ni Mayor Orlan Calayag.

Katuwang dito ang Rural Health Unit ng Dolores, sa pangunguna ni RHU Dentist na si Dr. Ceferino Trinchera Jr. at mga Dentista ng Provincial Health Office.

Ang tema ng naturang selebrasyon ay “Malusog na Ngipin Dulot ay Magagandang Ngiti ng mga Doloresin!”

Ayon sa Dolores LGU, ang taunang pagdiriwang ay pagpapataas ng kamalayan ng kumunidad sa tamang pangangalaga ng ngipin at ang kahalagahan nito.

Ipinayo rin ng lokal na pamahalaan na dapat panatilihin ang paglilinis ng ngipin dalawa hanggang tatlong beses maghapon.

Ang isang araw na selebrasyon ng Dental Health Month ay kinatampukan ng iba’t ibang aktibidad gaya ng Dental Health Education para sa mga pre-school children, on-the-spot poster making contest, pamimigay ng Dental kits at iba pa.

Pin It on Pinterest