News

Mga PWD na nagdiwang ng kaarawan, tumanggap ng cash gift mula sa Lucena LGU

Namigay ang Pamahalaang Panlungsod ng Lucena ng Birthday Cash Gift sa mga Persons with Disability.

Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO ang pamamahagi ng naturang cash gift sa Barangay Uno at Barangay Dos sa kanya-kanyang barangay hall.

Sa Barangay Uno, nasa 43 benepisyaryo ang tumanggap habang sa Barangay Dos naman ay 25 benepisyaryo ang tumanggap ng P500 cash gift.

Ang mga PWD na tumanggap ay nagdiwang at magdiriwang para sa buwan ng October hanggang December.

Ang ipinamahaging ito ng Lucena LGU ay bilang tulong sa pangangailangang medikal ng mga PWD sa lugar.

Pin It on Pinterest