LocalNews

KALIPI Members ng Infanta, patuloy na nililinang ang kasanayan sa livelihood

Patuloy na isinusulong sa Infanta, Quezon ang sustainable livelihood kaakibat nang pangangalaga sa kalikasan.

Kaugnay nito, nangasiwa ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) katuwang ang KALIPI Federation – Infanta Chapter ng seminar tungkol sa ‘Fundamentals of Costing and Pricing Seminar’ upang patuloy na malinang ang kaalaman at kakayahan ng bawat kasapi nito.

Nakalinya ito sa implementasyon ng Ecobrick Project na naglalayong makabawas ng basura, maproteksyunan ang kalikasan, at magkaroon ng karagdagang kita ang mga kasapi ng KALIPI ng munisipalidad.

Layunin ng seminar na mas maipaliwanag sa mga benepisyaryo ng proyekto ang pangunahing konsepto ng gastos at matuto kung paano matukoy ang kanilang break-event point.

Tinalakay ni Ronel Caagbay, CPA, isang tax, audit, and accounting practitioner ang ‘fundamental cost concept’ at tamang diskarte sa pagprepresyo.

Hinikayat naman ni Konsehal Marlo Cuento ang mga KALIPI members na ibahagi rin sa iba ang kanilang natutuhan sa seminar.

Pin It on Pinterest