Murang noche buena items, maaaring bilhin sa ‘Diskwento Caravan’
Dalawang linggo bago ang kapaskuhan, maglulunsad ang Department of Trade and Industry ng “Diskwento Caravan” kung saan puwedeng makabili ng mas murang noche buena products.
Kasabay ito ng huling Kalakal Quezon para ngayong taon ng DTI, ka-partner ang Southern Luzon State University na may temang “Kalakal Quezon 2022: The Best of Quezon Products”.
Tampok dito ang iba’t ibang produktong gawa ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa lalawigan.
Aarangkada ang Kalakal Quezon 2022 at Diskwento Caravan simula ngayong December 13-19, 2022 sa Pacific Mall, Lucena.