News

Newly Hatched Marine Turtles, natagpuan sa baybaying dagat ng Mulanay, Quezon

Natagpuan ang mga Newly Hatched Marine Turtles sa baybaying dagat ng Mulanay, Quezon.

Ayon sa mga residente nakita nila ang mga hatchling na gumagapang sa buhangin malapit sa kanilang mga bahay.

Sinubukan umano nilang tuntonin ang pugad sa bahagi ng dalampasigan kung saan lumitaw ang batang pawikan ngunit hindi ito natagpuan.

Kaya naman isa-isang kinuha ng mga residente ang pawikan upang ilipat sa isang batya.

Kaagad namang humingi ng tulong ang mga residente sa kinauukulan na agad ding nirespondehan ng DENR-CENRO Catanauan upang pangasiwaan ang pagpapakawala ng nasabing mga pawikan.

Labindalawang hatchling ng hawksbill turtles ang pinakawalan sa dagat ng Sitio Pulong Paraiso, Brgy. Sta. Rosa, Mulanay, Quezon.

Ang Hawksbill turtle ay isa sa limang endangered species ng marine turtle na makikita sa Pilipinas.

Ang nasabing wildlife ay matatagpuan sa mga tropikal na tubig sa buong mundo at nananatili sa mga coral reef, lagoon, mangroves, at mababaw na lugar sa baybayin.

Pin It on Pinterest