News

Oplan Ligtas sa Pamayanan on the Road, Patuloy na Isinasagawa ng BFP Quezon

Patuloy pa ding isinasagawa ng BFP Quezon ang OLP on the Road o Oplan Ligtas on the Road.

Ito ang pahayag ni Provincial Fire Director ng Quezon Bureau of Fire Protection, Supt. Rowena Gollod sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.

“Hanggang ngayon po ay kina-conduct po ng BFP Quezon ito po yung OLP o the Oplan Ligtas sa Pamayanan on the Road,” ayon kay Supt. Gollod.

Aniya, ito ay ang pagsasalita o pag-aanunsyo sa kalye ng mga kawani ng BFP kung saan pumupunta sa mga barangay upang magbigay ng safety tips at reminders para maiwasan ang sunog o ano pa mang kalamidad.

“Kung saan inaabot po natin ang barangays sa pamamagitan ng pag-aannounced ng mga safety tips at reminders para po maiwasan natin ang sunod o ano pa mag kalamidad o disaster” sinabi ni Supt. Gollod.

Ayon pa kay Supt. Gollod na ang Bureau of fire Protection ay hindi lamang sa pag-apula ng sunog kundi pati sa pagtugon sa lahat ng pangangailangan pagdating sa disaster, problemang medikal, rescue at investigation endorsement ng Fire Code of the Philippines.

Pin It on Pinterest