News

Pamahalaang karapat-dapat sa mga Lucenahin, tuloy-tuloy -Kon. Manong Nick Pedro

Sa kanyang pribilehiyong talumpati, ipinagmalaki ni konsehal Manong Nick Pedro ang mga naging accomplishment ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena sa nakalipas na unang 100 araw ng kapulungan.

Ayon sa majority floor leader ng konseho, nasa 167 na ang kanilang naaprubahang resolusyon, 2 internal resolutions, 15 approved ordinances with 1 on appropriations sa loob ng 11 regular at 2 specials sessions hanggang nitong Oktubre 7, 2022.

Patunay daw ang antas o bilang na ito ng pagkakasundo ng mga miyembro ng Sanggunian bagama’t may sari-sariling opinyon.

“Walang nababalam na panukala dahil walang nambabalam. Nakapagsalita ang lahat ayon sa sariling kaisipan. Walang makakapagsabi dito ni minsan na pinigil sa kapulungan ang pagsasalita ng sariling opinyon sa bawat usaping-bayang tinatalakay,” ani Manong Nick Pedro.

Sinuportahan naman ng mga miyembro ng kapulungan ang pahayag na ito ni Manong Nick, kasama ang mga bagong konsehal, Konsehal Edwin Pureza at Elizabeth Sio.

Ayon pa kay Manong Nick, asahan ng mga Lucenahin ang ganitong tuloy-tuloy na pagkakaisa para sa higit na pagkakaloob ng isang lokal na pamahalaan na karapat-dapat sa kanila.

Pin It on Pinterest