Pangangalaga ng Kalikasan Kasabay sa Pag-unlad, Isa sa Pangarap ni Mark Alcala Para sa Lungsod ng Lucena
Inihayag ni Mark Alcala na isa sa sa pangarap nito para sa Lungsod ng Lucena na mapangalagaan ang kalikasan kasabay sa pag-unlad ng siyudad.
Sinabi ito ni Mark Alcala sa eksklusibong panayam ng programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’ na ayon dito na sa kabila ng pagiging developing city ng Lungsod ng Lucena ay mahalaga na mapanatili pa rin ang green environment.
“Gawa na ‘yun po ang pangarap ko, we develop but at the same time we maintain our pagiging probinsiya na we should maintain our environment. Dahil kapag puro building na po tayo, sabi ko nga medyo iba naman tayo sa NCR pero at the same time ide-design at ipaplano natin yan nang maganda, ‘yun po ang pangarap ko,” ani Mark Alcala.
Sinabi din ni Alcala na magandang magkaroon din ng direktiba sa mga magtatayo ng business establishment na magtanim ng puno sa paligid ng kanilang mga establishimento at kung may puno daw na matatamaan sa development ay magandang magkaroon din ng kapalit dito.
Hinihikayat naman ni Mark Alcala na makiisa ang bawat Lucenahin para sa higit pang pagpapaunlad ng Lungsod ng Lucena. “Sabi ko nga po walang ‘I’, yan pong posisyon ng mayoralty, it will be given by the trust of the people. Sana po ay tulungan n’yo pa rin ako kasi ang kaunlaran po ng Lungsod ng Lucena ay nakasalalay po sa bawat isa sa atin. May parte po tayong lahat ditto,” ani Mark Alcala.