News

PART Quezon Chapter Nagtanim ng 150 Mahoganies Bilang Pakikiisa sa World Radiography Day

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Philippine Association of Radiologic Technology o PART Quezon Chapter sa pangunguna ng presidente ng samahan na si Romulo Miguel sa kahabaan ng Zigzag Road na nasasakupan ng bayan ng Atimonan, Quezon

Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Radiography Day.

Ayon kay Miguel, ang kanilang samahan ay binubuo ng mga radiologic technologists na ang adhikain ay pangalagaan ang kalikasan.

“Kami po ay samahan ng mga radiologic technologists na nangangalaga sa ating inang kalikasan,“ ayon kay Miguel.

Dagdag pa ng presidente ng PART na ang kanilang mga tinatanim na puno ay malaki ang naibibigay na tulong sa mga tao kagaya nalang ng sariwang hangin, pagkain at iba pa.

“Ang ating mga tinatanim na puno ay nagbibigay sa atin ng oxygen para sa ating yamang hangin, tumutulong din ito nagbibigay ito ng mga ating pagkain ng ating shelter, land erosion pinoprotektahan din po nito ang ating mga lupa tumutulong rin ito para hindi tayo magkaroon ng pagbaha,” ayon kay Miguel.

Sinabi rin ni Miguel na sila ay nakapagtanim ng 150 mahogany trees sa kahabaan ng Zigzag Road sa Atimonan.

“Ngayong pong araw na ito tayo po ay nakapagtanim ng 150 seedlings dito sa zigzag road sa QPL,” ayon kay Miguel.

Sinabi naman ng ­­presidente ng PART na hindi lang dito natatapos ang kanilang ang kanilang mga aktibidades. Ito’y masusundan pa aniya ng iba’t ibang klase ng aktibidades gaya ng Coastal Clean Up, Free Ultrasound at iba pa.

“Ang PART Quezon Chapter po ay mayroong series of activities ngayong November, ngayon po November 7 ito na nga pong tree planting then by November 21 meron po tayong isasagawang coastal clean up and mangrove planting Barangay Talao-Talao then followed by free ultrasound for pregnant on November 28 na inaasahan po natin na makikinabang ang ating mga buntis na kababayan,” ayon kay Miguel.

Pin It on Pinterest