News

Photography, drawing and Poster making Contest, bahagi ng Fire Prevention Month activity sa Real, Quezon

Sa pag-iwas sa sunog hindi ka nag-iisa yan tema ngayong taon ng Fire Prevention Month. sa Bayan ng Real, Quezon, idinaan sa Photography, Drawing and poster making contest ang ilang aktibidad ng pagdiriwang ng Fire Prevention month kung saan nagtagisan ng husay sa nasabing patimpalak ang mga piling mag-aaral sa kanilang bayan patungkol sa pag-iwas sa sunog sa pangangasiwa ng Bureau of Fire Protection Real katuwang ang Lokal na Pamahalaan.

Ito ay bilang paraan upang ipabatid sa publiko ang pangananib na dala ng trahedyang dulot ng apoy na posibleng maiwasan sa pamamagitan ng mga pag-iingat at mga tamang kaalaman patungkol dito.

Nilahukan ito ng Real Central Elementary School, ROMMA Foundation Inc, St. Raphael College of Business and Arts Inc. at Ungos Integrated National High School ilan lang ito sa mga aktibidad.

Una nang pumarada sa naturang bayan ang mga fire truck ng kanilang bureu of fire upang magpahayon ng kahandaan sa banta ng sunog. Higit o dobleng pag-iingat ang ipinababatid ng mga bumbero ngayong fire prevention month, dahil sa mainit na panahon malaki ang posiblidad ng pagkakaraoon ng sunog.

Upang mamumulat ang kanilang mamamayan laban sa traheyang ito, iba’t ibang aktibidad ng BFP at lokal na pamahalaan ang sanib pwersyang inorganisa upang sama-samang labanan ang tradeyang ito na kayang kumitil ng buhay at puminsala ng mga ari-arian.

Ang Fire Prevention Month ay isang batas sa pamamagitan ng Proclamation Number 115-A na nilagdaan ni dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr.

Minamandato ng batas na gumawa ng aktibidad ang mga sangay ng gobyerno at mga pribadong sektor ukol sa pag-iwas sa mga sakuna, gaya ng sunog.

Pin It on Pinterest