News

‘Tagisan 37’ inilunsad ng UP Kalilayan

Inilunsad ng University of the Philippines (UP) Kalilayan ang ika-37 edisyon ng Tagisan sa Talipan National High School sa Pagbilao, Quezon.

Ayon kay Chris John Cañarez, Project Co-Head ng Tagisan, isa ito sa pinakamalaki at pinakaaabangang inter-high school competition sa bansa.

Layunin umano nito na maging daan para maipamalas ng mga kabataan ang kanilang talino at talento hinggil sa iba’t ibang isyu na nangyayari sa lipunan.

“Mission and vision po ng Tagisan na maging daan at plataporma upang magkaroon ng diskusyon ang mga mag-aaral tungkol sa napapanahong isyu sa kasalukuyan at lipunan habang isinasagawa ang iba’t ibang pang-akademikong kompetisyon,” sabi ni Cañarez.

May tema ang Tagisan ngayong taon na “Spectrum and Safe Spaces: Igniting Youth Involvement towards Gender Inclusivity ang Equality”.

Itinatampok dito ang papel ng kabataan sa paglaban para sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagkilala sa karapatan ng bawat isa nang walang diskriminasyon.

Binubuo ng iba’t ibang kategorya ang kompetisyon tulad ng short film making, dagliang talumpati, pagsulat ng sanaysay, traditional at digital poster making at quiz show.

Nasungkit ng Quezon National High School ang people’s choice award para sa short film habang nakuha ng College of Sciences, Technology and Communications, INC. Sariaya ang people’ choice award para sa digital poster making contest – junior high category at Luis Palad Integrated High School sa senior high category.

Samantala, hinirang naman na champion sa short film making ang Manuel S. Enverga University Foundation-Candelaria, Inc., Quezon Science High School sa dagliang talumpati – junior high category at St. Joseph Academy of Sariaya, Quezon para sa senior high category.

Recto Memorial National High School sa Extemporaneous Speaking – junior high, Manuel S. Enverga University Foundation – Candelaria, INC. sa senior high category.

Southern Luzon State University – Laboratory Schools sa pagsulat ng sanaysay – junior high at College of Sciences, Technology and Communications, INC. Sariaya para sa senior high category.

Luis Palad Integrated High School sa essay writing – junior high at Recto Memorial National High School sa senior high category.

Quezon Science High School sa traditional poster making – junior high, Quezon National High School para sa senior high category, Quezon National High School sa digital poster making – junior high category at Quezon Science High School sa senior high category.

Nagwagi naman sa quiz show ang Luis Palad Integrated High School.

Habang itinanghal na overall champion ang Quezon National High School at Quezon Science High School.

Nasa 21 paaralan ang nakilahok sa Tagisan na nagmula sa mga probinsya ng Qu ezon at Aurora.

Pin It on Pinterest