Proyektong pagpapailaw ng mga lansangan sa Tiaong, ibinida ng LGU
Ibinida ng lokal na pamahalaan ng Tiaong, Quezon ang isa sa kanilang naging priority projects nitong nakaraaang taon.
Ito ay ang pagpapailaw ng mga pangunahing kalsada sa kanilang bayan para sa mas ligtas na paglalakbay ng mga motorista.
Lumiwanag na ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Lumingon matapos lagyan ng mga Solar Streetlights at Solar Studs na makakatulong upang makaiwas sa aksidente.
Ayon sa Tiaong local government, naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pakikipagtulangan sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways sa pangunguna ni DPWH Usec. Robert Bernardo at Calabarzon Regional Director Jovel Mendoza.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga motorista na mag-ingat palagi sa pagmamaneho, magsuot ng helmet kung sasakay ng motorsiklo at limitahan ang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan.